Bumaha ng emosyon sa buong AT&T Center kasunod ng isinagawang jersey retirement ceremony ng San Antonio Spurs kay future Hall of Fame guard Manu Ginobili.
Naganap ang seremonya matapos ang 116-110 win ng Spurs kontra sa Cleveland Cavaliers, na itinuturing din bilang isa sa mga pinakamahabang longest jersey-retirement ceremonies sa sports.
Itinaas ng San Antonio patungo sa rafters ang No. 20 jersey ni Ginobili, dahilan para itanghal ang Argentine great bilang ikasiyam na Spurs player na iniretiro ang numero.
“I stand here and I think what am I doing here?” wika ni Ginobili. “This was not supposed to happen to me. I had no expectations whatsoever growing up to be even close to being here.
“When I started to become kind of good I thought maybe I’ll have a quite successful career in Europe, maybe win something with the national team — who knows.
“Then one day I suddenly wake up and I hear what these legends say about me.”
Kabilang sa mga dumalo ay ang mga kasama ni Ginobili sa tinaguriang Big Three ng Spurs na sina Tim Duncan at Tony Parker, maging sina Fabricio Oberto at coach Gregg Popovich.
Iginugol ni Ginobili ang kayang buong 16-year career sa San Antonio kung saan nito nakuha ang kanyang apat na NBA championships.
Napiling 57th overall pick noong 1999 NBA Draft, lumahok si Ginobili sa kabuuang 1,057 laro, at may average na 13.3 points, 3.8 assists, 3.5 rebounds at 1.32 steals sa loob ng 25.4 minuto.
Siya rin ang all-time leader ng Spurs pagdating sa nagawang 3-pointers (1,495) at steals (1,392).