-- Advertisements --

Tuluyan ng niretiro ng Miami Heat ang number 3 jersey ng kanilang legendary guard Dwayne Wade.

Kasama ng kaniyang mga kaanak, naging emosyonal ang 38-anyos na si Wade.

https://twitter.com/MiamiHEAT/status/1231436122661715969

Pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya at mga nakasama sa koponan lalo na sa team president na si Pat Riley.

Kasabay ng pagretiro ay itinaas na sa rafter ng American Airlines Arena ang jersey no. 3 ni Wade.

Ang jersey retirement nito ay magiging bahagi ng tatlong araw na kasiyahan sa Miami na tinawag na “L3GACY Celebration”.

Naging pang-limang overall pick noong 2003 NBA Draft si Dwayde kung saan may average ito ng 22 points sa kabuuang 1,054 games at 984 dito ay mula sa Miami habang ang ilan ay paglalaro niya sa Cleveland Cavaliers at Chicago Bulls.