Inanunsiyo ngayon ng basketball superstar na si Kevin Durant na ang jersey number 7 na ang kanyang gagamitin sa bagong team na Brooklyn Nets sa pagpasok ng bagong season ng NBA.
Una nang kinumpirma ng Golden State Warriors na kanilang ireretiro ang No.35 jersey ni Durant matapos silang iwanan.
Sa kanya namang statement sinabi ni Durant na sa loob ng 12 taon sa kanyang NBA career ay marami na siyang narating gamit ang numero 35.
Kabilang sa kanyang binanggit ay ang dalawang championships sa Warriors at dalawang MVP Awards.
Kaya naman sa mensahe ni Durant sa mga fans sa susunod daw na makikita siya sa basketbal court ay bibitbitin na niya ang number 7.
Kasabay naman ng mensahe niya sa bagong koponan sa pagsasabing, “one time Brooklyn.”
“35 allowed me to play basketball in Oklahoma City and form bonds and friendships that will last a lifetime. Lastly, 35 allowed me to go to the Bay Area and win two championships and form brotherhoods that no time or distance will ever break. 35 was chosen in honor of someone very near and dear to me. I will always honor him and honor the number 35. But as I start this new chapter in my basketball life, the number I’ll be wearing on my back is the number 7 next time you see me on the floor. One time Brooklyn,” ani Durant sa kanyang Instagram post.
Para naman sa Nets, excited na raw silang makasama ang 10-time All-Star player.
“He has already established himself as a champion and one of the best players of all-time, and we couldn’t be more excited to welcome him into our program in Brooklyn,” pagtitiyak pa ni Nets coach Kenny Atkinson.
Pero posibleng matagalan pa bago makalaro si Durant makaraang sumailalim siya sa surgery bunsod ng pagkapunit ng Achilles tendon.
Sa kabila nito inalok pa rin siya ng Brooklyn ng apat na taong kontrata sa halagang katumbas ng mahigit sa walong bilyong piso.