Nakatakdang iretiro ng Memphis Grizzlies ang jersey No. 9 ni Tony Allen.
Batay sa inilabas na schedule ng Grizzlies, gaganapin ang retirement ceremony sa March 15, 2025 sa FedExForum, ang homecourt ng Memphis.
Sa naturang araw ay nakatakdang harapin ng Grizz ang Miami Heat.
Sa kasaysayan ng Grizzlies, mayroon nang dalawang player na nairetiro ang kanilang jersey No. na kinabibilangan nina Zach Rondolph (jersey No. 50) at Marc Gasol (jersey No. 33)
Si Allen na ang pangatlo sa listahan ng koponan.
Sa loob ng 7 season na paglalaro ni Allen sa Memphis, nagawa niyang dalhin ang koponan sa magkakasunod na NBA Playoff (2010 – 2017).
Hawak ni Allen ang ilang record sa Memphis tulad ng pangalawa sa may pinakamaraming steal sa kasaysayan ng koponan (762) sa kabila ng pitong season lamang na kanyang paglalaro.
Pang-sampu rin si Allen sa may pinakamaraming nagawang blocks sa kasaysayan ng Grizz na nakapagtala ng kabuuang 217
Nagretiro si Allen mula sa NBA noong 2018 maapos ang 14 na season sa liga.