-- Advertisements --

Nakatakdang iretiro na ng Golden State Warriors ang number 9 jersey ni Andre Iguodala.

Ayon sa koponan na isasagawa ito sa laban nila ng Dallas Mavericks sa darating na Pebrero 23.

Isinagawa ang anunsiyo kasabay ng ika-41 kaarawan ni Iguodala.

Ang 6-foot-6 player ay siyang pang-pitong manlalaro sa kasaysayan ng Warriors na magsasabit na ng kaniyang jersey kasama na niya sina Wilt Chamberlain, Chris Mullin, Nate Thurmond, Alvin Attles, Rick Barry at Tom Meschery.

Kasama siya ng magkampeon ang Warriors noong 2015, 2017, 2018 at 2022 kung saan nakuha niya ang Finals Most Valuable Player awards noong sa unang kampeonato ng koponan.

Nagretiro si Igoudala noong Oktubre 2023 matapo ang ilang magtamo nito ng injury.

Mayroong average ito ng 16. 3 points, 5.8 rebounds, 4 assists at 1.3 steals sa bawat laro.