-- Advertisements --
Naging emosyonal si dating Golden State Warriors Most Valuable Player Andre Iguodala matapos na iretiro ang kaniyang Number 9 na jersey.
Isinagawa ang nasabing pagreretiro sa panalo ng Warriors 126-102 laban sa Dallas Mavericks.
Ipinalabas nila ang video tribute para sa 2015 NBA Finals MVP at ilang mga highlights nito sa Warriors.
Maging si Mavericks player Klay Thompson ay niyakap ang dating kasamahan sa Warriors.
Mayroon average si Iguodala na 6.9 points, 3.8 rebounds per game.
Naging susi siya ng palitan niya si Andrew Bogut para makuha ng Warriors ang kampeonato sa NBA Finals laban sa Cleveland Cavaliers.