-- Advertisements --

Nananatiling positibo si Pinoy boxer Melvin Jerusalem na kaya niyang talunin ang Mexican boxer na si Luis Castillo.

Maghaharap kasi ang dalawa sa araw ng Linggo para sa pagdepensa ni Jerusalem ng kaniyang WBC World minimumweight title.

Sinabi ng isa sa dalawang Pinoy boxing world champion na kanilang pinag-aralang mabuti ang mga galaw ni Castillo.

Magkakaroon aniya ng dagdag na lakas ito sa mga Pinoy fans na manonood ng kaniyang laban.

Hindi naman nagpatalo si Castillo kung saan desidido itong talunin si Jerusalem kahit na sa sariling bayan pa nito gaganapin ang laban.