Nadipensahan ni Jerwin Ancajas sa ika-pitong pagkakataon ang kanyang IBF world super flyweight title.
Ito ay matapos na makapagtala siya ng seventh-round technical knockout victory kontra mandatory challenger Ryuichi Funai sa kanilang laban na idinaos sa Stockton Arena sa California, USA.
Naging accurate ang Pilipinong boksingero sa pagbitaw ng kanyang mga suntok kaya napuruhan ang kanyang nakalaban.
Naging pursigido si Funai na talunin si Ancajas subalit hindi ito nagtagumpay sa kanyang hangarin.
Matapos na mapuruhan sa ika-anim na round, nagdesisyon ang kampo ni Funai na ihinto na ang laban sa pagsisimula ng seventh round.
Dahil dito, ang may hawak nang 31-1-2 na may 21 knockouts si Ancajas, habang si Funai naman ay mayroong 31-8 win-loss record na may 22 knockouts.