Kinoronahan ang pambato ng Australia na si Jessica Lane bilang bagong reyna ng kalikasan sa ginanap na Miss Earth 2024 nitong Sabado sa Parañaque City.
Tinalo ni Lane ang 75 na katunggali sa kumpetisyon, habang pinalitan nito ang Albanian beauty queen na si Drita Ziri na nanalo noong nakaraang taon.
Sa unang round ng kompetisyon sa Top 20 ay pinakitaan na ni Lane ang mga judges ng energized nitong galaw at ganda sa kanyang 1-piece swimsuit.
Sa top 8 announcement ng evening gown competition, suot ng Australian beauty queen ang sky blue metallic na gown na siyang nag patingkad sa ganda ng Australian beauty.
Ito naman ang unang panalo ng Australia sa kinikilalang ‘Big 4 important pageant’ sa mundo kasama ang Miss Universe (MU), Miss World (MW), Miss International (MI), at Miss Earth (ME).
Samantala, tatlo pa ang kinoronahan bilang elemental queens. Ang pambato ng Iceland na si Hrafnhildur Haraldsdóttir ang nag uwi sa Miss Earth-Air, Miss Earth-Water na si Bea Millan-Windorski mula sa USA, at Miss Earth-Fire na si Niva Antezana mula sa Peru.