-- Advertisements --

Ginulat nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang mundo ng local showbiz matapos na ianunsiyo na sila ay kasal na.

Sa kaniyang social media account, inanunsiyo ng actress na noon pang Pebrero ngayong ng isagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Hindi naman binanggit ng dalawa kung saang lugar nangyari ang kasal ng dalawa.

Ilan sa mga dumalo ay ang magulang nina Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos-Recto ganun din sina Senator Ralph Recto at anak nitong si Ryan Recto.

Mahigit na apat na taon na magkarelasyon ang dalawa at noong Disyembre lamang ay inanunsiyo nila ang kanilang engagement.