Nilinaw ni Jessy Mendiola na sariling desisyon nito ang pagsabak muli sa daring pictorial dahilan upang gulatin nito ang fans sa tema bilang sexy cowgirl.
Mismong ang 29-year-old actress ang nag-post online sa kanyang larawan kung saan agaw pansin ang suot na kulay puting swimsuit dahil kita na ang pisngi ng kanyang pwet at halos sumilip na ang dibdib at ari.
Tinernuhan niya ito ng cowboy hat at kulay puti rin na boots.
Ayon kay Jessy, matagal na rin mula nang huli niyang sexy photoshoot at tanging ang kanyang production team ang naghikayat sa kanya.
Hindi na aniya siya interesado sa pagpapa-sexy ngayong kasal na sa TV host/comedian na si Luis Manzano kaya kanya na itong huling hirit bago ang 30th birthday sa Disyembre.
Taong 2016 nang itinanghal si Mendiola bilang “Sexiest Woman in the Philippines” ng isang men’s magazine at taong 2021 nang ikinasal kay “Lucky” matapos ang apat na taong pagiging magkasintahan.
Naging usap-usapan ang kulay pink na suot ni Luis dahilan upang maungkat muli ang isyu sa umanoāy sekswalidad ng anak nina Edu Manzano at Vilma Santos-Recto.
Una nang dumipensa ang stylist na si Rex Atienza sa pagsasabing akma ang pink na mangibabaw, para sa karaniwang kulay green at brown sa bukid kung saan ginanap ang pag-iisang dibdib.
Nabatid na tinututukan muna ni Jessy ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan kaya pansamantalang nagpapahinga sa acting career.
Kasabay ito ng pag-amin na āin the makingā na sila ng mister sa pagbuo ng mga magiging tsikiting nila.