-- Advertisements --

Wala umanong iindorsong kandidato sa pagkapresidente at bise-presidente ang religious group na Jesus Is Lord (JIL) Church sa Mayo 2022 elections.

Ito ang nilinaw ng founder ng CIBAC party-list na si representative at Bro. Eddie Villanueva.

Ayon kay Bro. Eddie, aabot kasi sa apat na mga presidentiables ang kaibigan ng kanyang anak na reelectionist sa pagka-senador na si Senator Joel Villanueva na guest candidate rin sa tatlong mga presidentiables.

Sinabi ni Bro. Eddie nananalangin na lamang siya para sa sambayanang Pilipino na sana maging matalino sa pagboto at pag-aaralan nila ang kanilang ihahalal.

Una nang nagpasalamat ang kongresista sa hangad naman ni Senator Manny Pacquiao na itatalaga siya bilang anti-corruption czar sakaling manalong presidente ng Pilipinas.