-- Advertisements --
Bubuksan na sa publiko sa darating na April 17 ang pinakahihintay na Jewel Changi Airport sa Singapore.
Mayroon itong laki na 135,700-square meter at ginawa upang konektahin ang apat na terminal ng Changi Airport.
Nagkakahalaga ito ng SG$1.7 billion o halos $1.25 billion dollars at dinisenyo ng isa sa pinaka-magaling na arkitekto sa mundo na si Moshe Safdie. Ang airport na ito ay may 10 palapag.
Isa sa inaabangan ng marami ay ang 40-meter-tall o 130 feet nitong HSBC Rain Vortex na mayroong indoor waterfall na tila nagmumula sa langit ang tubig.