-- Advertisements --

Samu’t saring pagpuri ang natanggap ni Pope Francis kaugnay sa desisyon nitong pagbubukas ng secret archives noong World War II.

Noon pa man daw ay humihingi na sila ng access sa mga dokumentong ito na maaaring magamit sa mga international scholarly research na mahalaga sa Catholic-Jewish relations.

Ayon kay Rabbi David Rosen, internal director ng American Jewish Committee, ito ay upang malaman nila ang mga pagkakamali at pagsisikap na ginawa noong panahon kung saan naganap ang pagpatay ni Adolf Hitler sa halos anim na milyong Jews.

Inihayag naman ng United States Holocaust Memorial Musem sa Washington, DC, na matagal na panahon ng may “cooperative relationship” ang mga Vatican archivists noong bigyan ng access ni Pope John Paul II ang mga reasearchers sa mga koleksyong may kinalaman sa Nazism sa Germany.

Ngunit ang mga archives na ito ay tumagal lamang hanggang taong 1939.

Samantala, bubuksan ang archives sa mga qualified researchers na magsa-submit ng request para makita ang mga dokumento sa taong 2020. (with report from Bombo Sol Marquez)