-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binulabog ng rocket launch ng Palestinian terrorists sa Gaza Strip ang southern Israel kasabay ng pagdiriwang ng Jewish New Year o Rosh Hashanah.

Ang nasabing pang-aatake ay sagot ng Palestine sa paglagda ng Israel ng peace deals sa United Arab Emirates at Bahrain.

Ayon kay Bombo International Correspondent Julie Ann Siasat na tubong Maasin, Iloilo at OFW sa nasabing bansa, sinabi nito na-intercept ng Iron Dome ng Israel ang walo sa 13 mga rockets at ang iba naman ay tumama sa ibang lugar kung saan may naiulat na mga nasugatan.

Pahayag pa ni Siasat, sa ngayon nasa ligtas na kalagayan naman ang mga Pinoy.

Napag-alaman na kasabay ng pagdiriwang ng Jewish New Year ay ang pagpapatupad din ng three-week lockdown sa buong bansa dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 na umabot na sa 183,602; 132,449 ang naka-recover; at 1,226 naman ang namatay.