-- Advertisements --

Mataas ang expectation sa 19- year-old na si Jhanlo Mark Sangiao sa magiging laro nito sa MMA sa ONE: Winter Warriors II sa Dec. 17 sa Singapore.

Makakalaban nito ang pambato ng Indonesia na si Paul “great King” Lumihi na may record n a 7 wins 5 loses . Si Jhanlo na may record na 3 wins at wala pang talo ay anak ng former MMA fighter, at founder at head coach ng Kilalang Team Lakay na si Mark “The Machine” Sangiao na nakabase sa Baguio City.

Makakasama rin umano ni Jhanlo sa ONE: Winter Warriors II ang mga kapwa Pinoy na sina Stephen ‘The Sniper’ Loman na makakalaban nito ang pambato ng Russia na si Yusup Saadulaev. , Kevin ‘The Silencer’ Belingon na makakalaban naman nito ang pambato ng South Korea na si “Pretty Boy” Kwon Won Il , at Danny ‘The King’ Kingad na makakalaban si Kairat Akhmetov ng Kazakhstan.

Ang apat na Pinoy na sasabak sa MMA sa ONE: Winter Warriors II sa Dec. 17 sa Singapore ay kapwa Team Lakay ng Baguio City.