-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng dancer at TV-host na si Jhong Hilario ang pagkakaroon niya ng mataas na merits sa pagtatapos nito ng Masters Degree in Public Administration sa World Citi College.

Sinamahan siya ng kaniyang asawa, ina at anak ay nagmartsa sila para tanggapin ang diploma nito sa kaniyang alma mater sa graduation na naganap sa PICC Plenary Hall.

Sinabi nito na umabot ng isang taon ito na nag-aral kung saan isang uri ng modular program.

Ipapadala sa kanila ang mga modules at sila ang maghahanap ng mga libro para sa research.

Hindi ito makapaniwala na matatapos niya ang kurso dahil sa pagiging abala bilang artista at konsehal ng lungsod ng Makati.

Dagdag pa nito hanggang mayroong oportunidad na makapag-aral ay kaniyang sinasamantala dahil sa hindi ito habang buhay ay artista.

Paglilinaw din nito na wala siyang balak na tumakbo sa mataas na posisyon sa darating na halalan.