-- Advertisements --

Magsisilbing team captain ng Alas Pilipinas ang multi-awarded setter na si Jia De Guzman para sa paparating na laban ng national team sa Asian Women’s Volleyball Challenge Cup o AVC Challenge Cup.

Bilang host ang Pilipinas, ito ay gaganapin mula May 22, 2024 hanggang May 29, 2024 sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

Si De Guzman ay 8-time Best Setter ng Premier Volleyball League (PVL) kung saan parte siya ng Creamline Cool Smashers.

Taong 2023, hindi naglaro si De Guzman sa PVL 2nd All Filipino Conference matapos maging import ng Japan club team na Denso Airybees. Siya ang kauna-unahang Filipina setter ang ikalimang Filipino na nakapaglaro sa Japan V. League.

Kasama ni Jia De Guzman sa national team ang ilang players sa pro at collegiate leagues gaya nina Sisi Rondina ng Choco Mucho Flyting Titans, Eya Laure at Jennifer Neirva ng Chery Tiggo, at Thea Gagate at Julia Coronel ng La Salle.

Kabilang ang Pilipinas sa Pool A kaya makakalaban nito sa round-robin preliminaries ang volleyball team ng Chinese Taipei, India, Iran, at Australia.

Ang mananalong bansa ay lalaban naman sa FIVB Women’s Challenger Cup sa July.