-- Advertisements --

Tanggap na rin ni senatorial candidate Jiggy Manicad ang kanyang pagkatalo sa senatorial race.

Nagpasalamat naman ito sa mahigit 6 milyon na bumoto sa kanya at pinuri rin ang mga nanalo sa midterm elections.

“Lord, you know that I have fought the good fight; I have finished Your race and I have kept my faith. The battle is not mine but Yours alone. I surrender to your mercy, love and compassion. ♥️” saad ni Manicad, na tumakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago slate.

Gayunman, nangako ang dating mamahayag na patuloy siyang tutulong sa publiko lalo na sa mga mahihirap.