-- Advertisements --
Naglabas ng video ang Palestinian Islamic Jihad ng isa sa kanilang bihag na Israeli.
Kinilala ang bihag na si Rom Braslavski mula sa Jersulem na dinukot ng mga armadong grupo sa Nova music festival noong Oktubre 7.
Makikita sa video na ang panawagan ng bihag sa Israeli Government at kay US President Donald Trump na tiyakin ang kaniyang paglaya.
Sa pitong minuto na video ay makikita ang pagmamakaawa nito na siya ay palayain.
Magugunitang nagmatigas ang Israel na hindi sila titigil sa pag-atake sa Gaza hanggang tuluyan ng mapalaya ang mga bihag na hawak ng Hamas.