-- Advertisements --
Magtutungo sa Tokyo para dumalo sa opening ceremony ng Olympics si US first lady Jill Biden.
Ayon sa White House, pangungunahan ni Mrs. Biden ang delegasyon ng US Olympic team pero hindi kasama si US President Joe Biden.
Hindi naman na nagbigay pa ng anumang detalye ang White House kung sino pang opisyal ang makakasama ni Biden sa darating na Hulyo 23.
Magugunitang nagdesisyon ang organizers ng Olympics na pagbawalan ang panonood ng personal sa torneyo.
Kasalukuyan rin kasing nasa state of emergency ang Tokyo hanggang Agosto 23.