-- Advertisements --

Pinasalamatan ng dating child actress Jillian Ward ang kaniyang mga fans matapos na umabot sa 16 milyon ang followers nito sa Facebook.

Nakuha nito ang dami ng followers sa nasabing social media sa loob lamang ng isang taon.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng kaniyang larawan at may caption na pasasalamat sa mga followers nito.

Nagsimula si Ward bilang child actress sa mga TV sitcoms at shows at maging sa mga commercials.