Nagpaabot ng pakikisimpatya ang OPM singer na si Jim Paredes sa kasalukuyang hamon na pinagdadaan ni Queen of all media Kris Aquino.
Ito ay dahil sa bagong post ni Kris sa kanyang instagram account kung saan sinabi ni Kris na muling nabuo ang kanilang pamilya matapos silang magkaayos ng kanyang kuya na si dating Presidente Noynoy Aquino.
Hindi nagpansinan ang magkapatid sa loob ng isang taon dahil sa kinalaban ni Kris ang dati nilang kakampi sa Liberal Party (LP) na si Caloocan Second District Congressman Edgar Erice.
Nagsimula ito dahil sa komento ng mambabatas na kaya raw natalo si dating Senador Mar Roxas kay dating Mayor Rodrigo noong 2016 presidential elections ay dahil may kaugnayan umano ang senador sa Liberal party na partido ni Noynoy.
Kasalukuyan itong spokesperson at campaign manager ni Mar Roxas na ngayon ay muling tumatakbo sa pagka-senador ngayong 2019 midterm elections.
Mariin namang itinanggi ni Kris ang paratang sa kanya na nagpatulong umano siya sa mambabatas upang humanaop ng “hired killer” upang ipatumba ang magkapatid na Falcis at bodygurad daw ang pinapahanap niya rito upang may magbantay sa kanyang ,ga anak na sina Joshua Aquino at Bimby Aquino-Yap.
Kasalukuyang kumakaharap ngayon si Kris sa iba’t ibang legal cases laban sa magkapatid na sina Nicko at Jess Falcis pati na rin ang Grave Threat complaint laban sa kanya dahil sa pagbabanta umano nito sa buhay ng magkapatid.
Ang 67-year-old singer ay kilalang supporter ng mga Aquino.
Kamakailan lamang ay nasangkot si Jim sa isang video scandal na kumalat sa social networking sites.