-- Advertisements --

Pumanaw na ang miyembro ng soft-rock troubadours na Seals and Crofts na si Jim Seals sa edad 80.

Inanunsiyo ng pinsan nito na si Brady Seals ang pagpanaw ng singer.

Hindi naman na nito binanggit ang sanhi ng kamatayan nito.

Kasama ni Seal na sumikat si Darrel “Dash” Crofts kung saan nakilala ang mga ito sa kanilang awitin na “Summer Breeze”, “Diamond Girl” , “We Will Never Pass This Way (Again)”.

Pumatok ang kanilang Summer Breeze na album na 1972 at 1975 na Greatest Hits ay nakapagbenta ng mahigit dalawang milyong kopya.

Noong 2017 ay dumanas ito ng stroke kaya natigil ang pagsasagawa niya ng mga concert tours.