-- Advertisements --

image 99

Itinalaga ng Sacramento Kings si Jimmy Alapag bilang player development coach ng Sacramento Kings.

Ayon kay Alapag, isang dream come true ang pagkakahirang niya sa nasabing posisyon.

Makakasama naman ni Alapag ang batikang coach ng Kings na si Mike Brown, sa pagsasanay sa mga players ng Sacramento.

Si Jimmy Alapag ay dating naglaro sa iba’t-ibang team sa ilalim ng Philippine Basketball Association.

Matapos ang pagreretiro, agad siyang nagsilbi bilang coach ng ibat ibang PBA team, kasama na ang pagiging assistant coach sa Gilas Pilipinas.

Bago ang pagkakatalaga niya bilang wellness coach ng Kings, nagsilbi rin siyang assistant coach ng Stockton Kings sa NBA G-League.

Matatandaang nagtapos sa pangatlong pwesto ang Sacramento Kings nitong nakalipas na season sa ilalim ng Western Conference. Gayonpaman, hindi ito pinalad na makausad sa ikalawang round ng elimination, matapos itong talunin ng GSW.