-- Advertisements --

Magsasagawa ng online concert ang mga grupo ng performers na iniaalay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pangungunahan ito ng singer na si Jimmy Bondoc na isang kilalang supporters ng pangulo.

Pinamagatan ito bilang “Singing for the Presidente” na gaganapin sa Agosto 30.

Layon ng konsyerto ay para makapag-relaks ang pangulo dahil sa ito ay pagod na.

Ilan sa mga napiling mag-perform ay sina Dulce, Chad Borja, Mocha Uson, Njel de Mesa, Paolo Santos, Thor Dulay, Arnell Ignacio at Moymoy Palaboy.

Nanawagan si Bondoc sa mga supporters ng pangulo na ipagkalat ang nasabing concert at suportahan ito.