Nakuha ng Miami Heat ang Game 1 sa Eastern Conference Finals matapos na talunin ang karibal na Boston Celtics sa score na 118-107.
Sa first half ay hawak pa ng Boston ang abanse pero pagsapit ng 2nd half ay doon na dinomina ng Miami ang laro.
Sinamantala rin ng Heat ang kawalan ng mga starters na sina Al Horford at Marcus Smart sa Celtics.
Si Smart ay dahil sa injury habang si Horford naman ay bunsod ng health protocols issue.
Sa panig naman ng Miami, hindi pa rin nakakabalik sa laro ang All-Star guard na si Kyle Lowry bunsod din ng injury.
Nanguna sa panalo ng Miami si Jimmy Butler na nagbuhos ng 41 big points kung saan 27 dito ay kanyang naipasok sa second half.
Liban nito nagposte rin si Butler ng nine rebounds, five assists, four steals at three blocked shots sa kanyang all-around game.
Malaking tulong din naman ang ginawa nina Tyler Herro na may 18 at si Gabe Vincent ay nagdagdag ng 17 para sa 39-14 score sa third quarter.
Sa init ng kamay ni Butler ang kanyang 17 puntos ay mas malaki pa sa buong team ng Celtics sa loob 12 minutes.
“Shoot the ball when I’m open, attack, hit the open guy,” ani Butler matapos ang game. “Honestly it was a team effort.”
Sa malas din ng Boston at tindi na depensa ng Heat, naipasok lamang nila ang dalawang tira mula sa 15 na pagtatangka sa third quarter.
Samantala sa kampo naman ng Celtics nagtala ng 29 points si Jason Tatum.
Habang sina Jaylen Brown ay nagpakita ng 24 points para sa Boston at tig-18 points naman kina Robert Williams III at Payton Pritchard.
Ang Game 2 ay gagawin sa Biyernes doon pa rin sa homecourt ng Miami Heat.