-- Advertisements --
Sinuspendi ng Miami Heat ang kanilang forward na si Jimmy Butler matapos na hindi nakasama sa flight ng koponan.
Ito na ang pangalawang beses na nasuspendi si Butler sa loob ng tatlong linggo.
Ayon sa koponan, na tila binalewala ni Butler ang panuntunan ng kopoinan at hindi sumunod sa team manager kabilagn na ang hindi pagsama sa flight patungong Milwaukee.
Noong nakaraang Biyernes lamang ng makabalik sa paglalaro ang six-time NBA All-Star matapos ang pitong araw na suspension nito.
Una kasi itong sinuspendi matapos ang pahayag na nais niyang magpa-trade sa ibang koponan.