-- Advertisements --
Pinatawan ng Miami Heat ng indefinite suspension ang kanilang star player na si Jimmy Butler.
Kasunod ito sa ginawa niyang pag-walked-out sa kanilang praktis.
Ayon sa koponan, na walang bayad ang suspension nito na hindi bababa sa limang laro.
Hindi umano nito sinunod ang mga naging kautusan ng koponan kagaya ng hindi pagdalo sa ilang mga praktis ng koponan.
Ito na ang pangatlong beses na pinatawan ng suspensiyon ng Heat ang 35-anyos na si Butler.
Noong una ay ang pagpahayag sa publiko na nais niyang magpa-trade at ang pangalawa ay ang hindi pagsama sa laro ng koponan.