-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa batikos ang TV host na si Jimmy Kimmel matapos na iugnay sa coronavirus ang Korean group na BTS.

Kasunod ito sa naging panayam niya noong nakaraang linggo sa actress na si Ashley Park ang kumanta ng hit song ng BTS na “Dynamite” sa episode series ng “Emily in Paris”.

Labis ang tuwa ng actress ng dalawa sa miyembro Korean boy band na sina V at RM ay nag-share ng kaniyang video na kinakanta ang hitsong nila sa kanilang social media.

Subalit matapos ang ilang araw ay nagpositibo ang actress sa COVID-19.

Dito ay nagkomento si Kimmel at sinabing nagkaroon lamang siya ng “BTS fever” kung saan sinabi niya na delikado ang dalawa at mabuti nabuhay pa umano ang actress.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay ikinumpara ni Kemmel ang COVID-19 sa ilang mga boy bands noong dekada 90 at 2000.

Gaya aniya ng Backstress Boys, N’Sync at maraming iba pa na nabuo ito at nag-mutate sa O-Town at 98 Degrees.

Dahil aniya sa komento ay maraming fans ng BTS ang umalma at tinawag pa ang TV host na isang racist.