-- Advertisements --
jimuel and manny 1

Kinumpirma ng business manager ni fighting Senator Manny “Pacman” Pacquiao na may Hollywood offer ang anak ng Pambansang Kamao na si Jimuel Pacquiao.

Gaganapin umano ang nasabing shoot sa Manila, Japan at United States.

Ayon pa kay Arnold Vergara, kasalukuyan na itong nakikipag-usap tungkol sa nasabing proyekto.

Hinihintay na lamang daw nila na ipadala ang final script at malalaman din ngayong taon kung matutuloy ito.

Una nang naging maingay ang usap-usapan sa posibilidad na paggawa ni Pacman ng Hollywood action film lalo pa’t hinahangaan ito ng ilang action stars sa Amerika.

Sa kabila nito, inamin ni Vergara na hindi pa nagpapahayag ng pagpayag ang boksingero na gawin ng kaniyang anak ang proyekto dahil nasa kolehiyo na si Jimuel.