-- Advertisements --
Nabigyan na ng boxing license sa Amerika ang anak ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao na si Jimuel.
Kasalukuyang nagsasanay ang nakakabatang Pacquiao sa WildCard Gym sa California.
Hindi naman nito maitago ang kasabikan na sumabak ng unang amateur fight nito.
Magugunitang mismong si eight division boxing champion Manny Pacquiao ang nagbigay din ng mga teknik sa anak tuwing sila ay nagkakasabay na mag-training ng boxing.