-- Advertisements --

Desidido ang panganay na anak ni Senator Manny Pacquiao na si Jimuel na sundan ang yapak ng ama sa boxing.

Ito ay dahil nasa Amerika pa rin si Jimuel at kasamang nagsasanay si pound-for-pound king Saul “Canelo” Alvarez.

Makikita sa video ng kampo ng boksingero na tinuturuan nito ng ilang teknik sa boxing ang nakakabatang Pacquiao.

Ang WBA Super, WBC, WBO at Ring Magazine titlist na si Alvarez ay naghahanda para sa unification match nito kay IBF champion Caleb Plant sa Nobyembre 6.

Sumailalim ang 20-anyos na si Jimuel sa kilalang boxing coach na si Eddy Reynoso.

Magugunitang inanunsiyo ni Sen. Pacquiao ang kaniyang pagreretiro sa boxing.