-- Advertisements --

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang social media ang private beach resort nilang pamilya sa Sarangani.

https://www.instagram.com/p/CC2sdwKn1fg/

Sa kaniyang vlog, inilibot ng maybahay ni Senator Manny Pacquiao ang kaniyang mga fans sa ilang bahagi ng kanilang resort.

Paliwanag niya na hindi naman niya ito ipinagmamayabang at sa halip ay mga fans niya mismo ang humiling na ipakita ang kanilang resort sa Gumasa Beach sa bayan ng Glan.

Mayroon itong main resthouse at dalawang villas na mayroong kabuuang 14 kuwarto na kayang patuluyin ang Jamora at Pacquiao clans.

Naging simple lang kulay gaya ng puti at asul.

Iniikot pa nito ang kaniyang mga fans sa iba’t-ibang bahagi ng resort.