BACOLOD CITY – Namamalagi pa rin ngayong mag-isa sa gym si World Professional Jiu-Jitsu gold medalist Annie Ramirez mula nang maabutan siya ng Luzon lockdown.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Ramirez, kung nahihirapan ang karamihang atleta na hindi makapunta sa gym at mag-practice hirap din siyang sa gym mismo naninirahan at mag-isang nag-eensayo habang hinihintay kung kailan puwede na siyang maka-uwi.
“Hindi madali pero kailangan mo maging strong para sa sarili mo, maging strong din para sa iba. Kasi syempre as isa sa mga senior ng team namin, kailangan makita nila o maipakita ko na nakaka go on ako at nakakapag work out ako kahit mag-isa,” ani Ramirez.
Dagdag pa ni Ramirez na niyayaya din niyang mag traning ang mga kasamahang atleta online, hindi umano niya bibitawan ang Jiu-Jitsu at patuloy na magtuturo sa mga gustong pasukin ang ganitong laro habang hinihintay ang bumalik ang national at international competition na kinansela dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.