Nakahandang umapela ang drugmaker company na Johnson & Johnson sa kaso na umano’y nag-uugnay dito bilang parte ng opioid addiction crisis sa Oklahoma, United States.
Ito ang kauna-unahang kaso na isinailalim sa paglilitis matapos ang libo-libong lawsuits na isinampa laban sa mga opioid makers at distributors.
Ipinag-utos ng korte na magbayad ang kumpanya ng $572m o halos P30 billion.
Una nang nakipag-settle ang Oklahoma sa OxyContin maker na Purdue Pharma sa halagang $270m at Teva Pharmaceutical sa halaga namang $85m.
Ayon kay Judge Thad Balkman, isa ang J&J sa naging sanhi ng “public nuisance” gamit ang kanilang mapalinlang na promotion sa patuloy na paggamit ng nasabing painkillers.
“Those actions compromised the health and safety of thousands of Oklahomans. The opioid crisis is an imminent danger and menace to Oklahomans,”
Ang nasabing halaga na babayaran ng J&J company ay gagamitin upang gamutin at alagaan ang mga opioid addicts.