-- Advertisements --
Tinupad ng singer na si JK Labajo ang hiling ng kaniyang fans noong ito ay nabubuhay.
Si Trisha Macalagay ay isa sa mga nasawi sa sunog sa unibersidad sa Laguna.
Noong nabubuhay pa kasi ang dalaga ay nanood ito sa concert ng singer sa Anilag Festival sa Laguna.
Kung saan kinanta pa ng singer ang paboritong kanta na “Through the Years” mula sa pelikulang “Lolo and The Kid”.
Bilang pagkilala ay dumalaw ang singer sa burol ng namayapang dalaga.
Sa social media account ng singer ay pinasalamatan niya ang dalaga sa pagtangkilik sa kanta niya.