-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng kaniyang kauna-unahang major concert ngayong taon si Juan Karlos Labajo.

Sa social media account nito ay kaniyang inanunsiyo ang nasabing concert na magaganap sa Nobyembre 29 sa SM Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Ang pinakamahal na presyo ng nasabing tickets ay nagkakahalaga ng P8,500 habang ang general admission ay nasa P750.

Mayroon pagkakataon na makasalamuha ng mga nakabili ng SVIP tickets ang singer-actor at makakakuha sila ng ng mga exclusive merchandise.

Magsisimula ang pagbebent ang mga tickets sa darating na Setyembre 13.

Noong nakaraang taon ay pumatok ang kaniyang kantang “Ere” kung saan ito ay naing number 2 sa ilang mga music streaming.