-- Advertisements --

Ibinunyag ng singer na si JK Labajo na ang kaniyang kantang “Ere” ay nagawa mula sa pakikipaghiwalay niya sa nobyang si Maureen Wroblewitz.

Inilibas ang kanta noong Agosto 2023 kung saan sumikat ito dahil sa bahagi ng kanta na mayroong pagmumura.

Dagdag pa nito na ang nasabing kanta ay ginawa dahil sa natapos na relasyon.

Magugunitang nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2017 at noong Hunyo 2022 ay inanunsiyo nila ang kanilang paghihiwalay.