-- Advertisements --
Nakatakdang maglunsad ng kaniyang sariling beauty products ang singer/actress na si Jennifer Lopez.
Sa kaniyang Instagram, nagpatikim ito ng ilang mga produkto niya.
Ipinakita ng 51-anyos na singer ang kaniyang mukha habang naka make-up.
Noon pang 2018 ay ibinunyag nito ang pagnanais niya na maglabas ng beauty products.