Nabibigyang kulay sa ngayon ang pagpapagupit na ni John Lloyd Cruz mula sa kanyang mahaba at kulot na buhok noong nagpahinga sa show business.
Ito’y kaugnay sa naging post ng kanyang Facebook administrator kung saan ang caption sa larawan nito na clean cut hairstyle na siya ay “Choose to be happy.”
May mga kumwestyon kung konektado ba ito sa pag-amin ng sexy actress at kanyang ex-partner na si Ellen Adarna na boyfriend na nito ang kontrobersyal na si Derek Ramsay, habang may mga nagsabi na wala itong ibang kahulugan.
Dalawang taon naging magkasintahan sina Lloydie at Ellen kung saan nagbunga ito ng ngayo’y dalawang taon na rin nilang anak na lalaki.
Una nang inihayag ni Lloydie sa pambihirang pagkakataon na ang kanyang two year old son na si Elias ang nagsilbing dahilan nito para sa pagkakaroon ng bagong buhay.
Noong nakaraang taon nang aminin ng 37-year-old actor na naubos ang kanyang sarili bunsod ng “demand” ng trabaho kaya piniling umawat muna sa mundo ng showbiz.
Nabatid na nananatiling mabuting magulang sina Cruz at Adarna kahit hiwalay na.