-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi pa rin makapaniwala ang Ilonggo singer na si JM Bales na nabigyan ito ng pagkakataon na kantahin ang trending ngayon na ‘Magandang Dilag’ sa ginamit bilang sountrack sa swimsuit competition ng Miss Universe Philippines 2020.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay JM Bales, 27 at tubong Barotac Nuevo, Iloilo, sinabi nito na nagulat siya ng makatanggap ng mensahe mula sa songwriter na si Kiko Salazar at Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud.

Ayon kay Bales, naghahanap sina Salazar at Gaffud ng baguhang singer na may Filipino features at siya ang napili.

Itinuturing naman ni Bales na double victory ang pag-trending ng ‘Magandang Dilag’ at ang pagkapanalo rin ng kapwa Ilonggo na si Rabiya Mateo na tubong Balasan, Iloilo bilang Miss Universe Philippines 2020.