-- Advertisements --

Natapos na ng actor na si JM De Guzman ang kaniyang Philippine Air Force Special Basic Citizen Military Training at may ranggong sarhento.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ang actor ng video ng pagtatapos nito sa training.

Sinabi nito na matapos ang walong buwan ay natapos na nito ang Philippine Air Force Special Basic Citizen Military Training CL-2020.

Itinuturing niya na nagbigay ito ng malaking aral sa kaniya ang military training.

Nagsimula itong magsanay nooong Marso at nitong Hunyo ay ipinakita nito ang kaniyang marksmanship course at nagbigay din itong relief goods sa may 150 katao na mayroong kapansanan sa Navotas.