-- Advertisements --

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na layon ng isinagawang career con 2025 job fair ay para matulungan din ang mga POGO workers na nawalan ng trabaho.

Ayon kay Secretary Laguesma batay sa kanilang datos nasa 100 mga IGL workers ang nakiisa sa unang araw ng job fair kahapon.

Gayunpaman sinabi ng Kalihim na ang nasabing bilang ay malayo sa halos 40,000 na bilang ng mga apektadong IGL workers.

Ilan sa mga tinukoy na problema ni Laguesma ay karamihan umano sa mga alok na sweldo sa mga trabaho sa job fair ay ang entry level ay minimum wage.

Sinabi ng Kalihim na ang IGL workers ay may mataas na sahod at may mga benepisyo sa dati nilang pinagta trabahuhang kumpanya.

Binigyang-diin naman ni Laguesma na may mga employers din ang nag-aalok ng mga high-end jobs kaya umaasa ang kalihim na makakapasok dito ang mga IGL workers.