BAGUIO CITY – Magsasagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng job/business fair sa Baguio City National High School sa araw ng Linggo, Agusto 25.
Hinihikayat ng ahensiya ang mga technical-vocational education and training graduates at ang mga industry workers na makibahagi sa aktibidad.
Ayon sa TESDA, mag-aalok ng oportunidad ang 15 na local companies at 15 na overseas recruitment agencies.
Inimbitahan din ang mga kontraktor ng DPWH para mag-alok ng trabaho sa mga skilled construction workers para sa Build, Build, Build Program ng Duterte Administration.
Kasabay ng job fair ay magsasagawa ang TESDA ng iba’t-ibang serbisyo para sa aktibidad na tinagatawag na “World Cup of Opportunities” kasabay ng silver anniversary ng ahensiya.