-- Advertisements --

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Bureau of Immigration (BI) na sibakin sa trabaho ang walong job order contractors na umano’y sangkot sa pangingikil ng P9.2 million sa mga Korean nationals.

Kasunod na rin ito ng pag-review sa terms of engagement ng mga job order contractors at ng mga ebidensiya laban sa kanila.

Nakitaan umano ng justice secretary ng factual at legal basis ang reklamo laban sa walong job order contractors para agad i-termination ang kanilang mga kontrata.

Una rito, isinailalim na sa 90 araw na preventive suspension ang BI officers at employees na bahagi raw ng grupong nangikil sa 15 Korean nationals noong Marso 6, 2019 sa Korean Town, Angeles City, Pampanga.