-- Advertisements --
Inanunsiyo ng actress na si Jodi Sta. Maria ang pagpapahinga muna niya sa showbiz.
Ito ay para pagtuunan niya ng pansin ang kaniyang masteral program sa clinical psychology ngayong taon.
Sinabi nito na kaya niya napili ang mag-masteral dahil alam niya ang kaniyang kakayahan.
Mayroon aniya ibang buhay sa labas ng showbizness kaya naisip niyang mag-masteral.
Matagal na rin niyang pangarap na magkaroon ng madaling maabot ng nakakarami ang mental health service.
Sa ngayon ay tinatapos na lamang niya ang pelikula bago tuluyang magpahinga sa showbiz.