-- Advertisements --

Itinuturing na malaking kawalan sa kampanya ng Utah Jazz ang pagkawala ng isa sa kanilang three point shot expert na si Joe Ingles dahil sa matinding injury na dinanas.

Inaasahang hindi na umano makakabalik si Ingles hanggang matapos ang season na ito ng NBA.

Una rito, tinamo ni Ingles ang ACL injury o sprain of the anterior cruciate nitong nakalipas na Lunes sa kanilang laban kontra sa Minnesota Timberwolves.

Si Ingles na isang Australian national, ay kinikilalang isa sa top reserves sa liga.

Kung maaalala noong nakalipas na taon ay pumangalawa siya sa kanyang teammate at Filipino-American star na si Jordan Clarkson bilang Sixth Man of the Year.

Sinasabing masaklap ang timing sa injury ni Ingles dahil nagkataon na ngayong buwan ay magiging unrestricted free agent na ito.

May options din naman ang Utah na palitan ito sa isang player na kanilang pakikinabangan.

Sa ngayon ang Jazz ay No. 4 sa rankings sa NBA Western Conference.