Buwena manong sa upuan ng Philadelphia 76ers mag-iinit ang kanilang All-Star center na si Joel Embiid dahil sa injury.
Bukas ang simula ng salpukan ng Sixers (51-31) at Brooklyn Nets (42-40) sa kanilang first-round playoffs.
Sinasabing iniinda pa rin ni Embiid ang tendinitis sa kanyang kaliwang paa na nagdulot ng kanyang pagkawala sa koponan sa halos huling buwan ng NBA season.
Aminado ito na hirap siya at ramdam ang sakit kung pinipilit niya ang kanyang sarili.
Si Embiid na nag-average sa 27.5 points at 11.1 rebounds ay nawala na sa court mula nang magtapos ang All-Star break.
Dahil sa lumabas sa MRI ang “structural damage” patuloy siyang sumasailalim sa physical therapy, paggamit ng ice at todong pahinga para maibsan ang tendinitis.
Sa kabila nito, naniniwala ang ilang eksperto na kaya naman ng Sixers na hindi muna palaruin kahit hanggang dalawang games ang kanilang pambato sa sentro bunsod na rin nang angkin na best starting five sa Eastern Conference kung saan nandiyan din sina All-Star Ben Simmons, Jimmy Butler, JJ Redick and Tobias Harris.
Samantala ang face-off ng magkaribal na 76ers at Brooklyn ay banggaan nang nasa No. 3 na team at No. 6 sa Eastern side.