-- Advertisements --

Mistulang nakahinga na rin ng maluwag ang MVP frontrunner at big man ng Philadelphia Sixers na si Joel Embiid matapos na malipat na rin sa ibang koponan ang dati niyang ka-tandem at kontrobersiyal na si Ben Simmons.

Kung maalala si Simmons ay kabilang sa tatlong players na ipinagpalit ng Sixers sa NBA superstar na si James Harden na mula naman sa Brooklyn Nets.

Ayon kay Simmons, sa wakas daw ay matitigil na rin ang parati niyang pagsagot sa isyu kung kelan ba talalaga muling magbabalik sa paglalaro si Simmons.

Kung maalala bago pa man nagsimula ang season noong nakaraang taon ay lantaran na ring idinedeklara ni Simmons na ayaw na niya sa Sixers.

Aminado naman si Embiid na asar na asar na siya sa sitwasyon at sa ngayon makaka-move on na rin sila.

Kanina ay panalo na naman ang Sixers (33-22) makaraang ilampaso nila ang Oklahoma City Thunder sa iskor na 100-87.

Nagtala si Embiid ng 25 points at 19 rebounds.